3 dakma sa P5-M troso

BULACAN – Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang kasapi ng grupong nagsasagawa ng ilegal na pamumutol ng troso ang dinakma ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon sa bulubunduking bahagi ng Sitio Ilas, Barangay San Isidro, San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa.

Pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan ng suspek na pawang residente ng Montalban, Rizal habang isinasagawa ang follow-up operation. Nakumpiska sa mga suspek ang iba’t ibang uri ng punong-kahoy na pinagputul-putol at dalawang chainsaw na gamit sa kanilang modus operandi. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments