Notoryus na holdaper todas sa barilan
June 25, 2005 | 12:00am
CAMP SATURNINO DUMLAO, Nueva Vizcaya Isang most wanted person sa Cagayan Valley na may patong sa ulo na P.3 milyon ang kumpirmadong napaslang makaraang makipagbarilan sa mga tauhan ng pulisya at National Bureau of Investigation (NBI) sa bulubunduking bahagi ng Barangay Tucod sa bayan ng Kasibu, Nueva Vizcaya kamakalawa. Sa ulat ni P/Supt. Robert Mangaccat, police provincial director, dakong alas-6:20 ng umaga nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng RSOG-02, Regional Mobile Group (PMG)1st PNP Provincial Mobile Group at National Bureau of Investigation (NBI) ang kuta ni John Hamhamon na may kasong double murder. Hindi naman sumuko ang suspek at nakipagbarilan sa mga awtoridad hanggang sa tuluyang bumulagta.
Agad na dinala ng mga awtoridad si Hamhamon sa Veterans Regional Hospital matapos siyang tamaan, subalit sa tagal ng biyahe patungo sa ospital ay binawian din ng buhay.
Base sa rekod ng pulisya, si Hamhamon ay sangkot sa serye ng holdapan at may nakabinbing kaso ng murder kaya nasa t alaan ng pulisya bilang pangunahing most wanted. (Ulat ni Victor Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended