^

Probinsiya

3 PSG sugatan sa chopper crash

-
ROSALES, Pangasinan — Tatlong miyembro ng Presidential Security Group na lulan ng helicopter para maging advance party ni Pangulong Gloria Arroyo sa pagbisita sa grotto ang iniulat na sugatan makaraang bumagsak ang kanilang sinasakyang chopper sa bahaging bayan ng Rosales, Pangasinan kahapon.

Ang pagbulusok ng chopper ay kinumpirma ni P/Chief Insp. Rogelio Danoli, police chief sa bayan ng Rosales at habang sinusulat ang balitang ito ay bineberipika pa ang pagkikilanlan ng mga biktima.

Sa ulat, isa sa biktima ay ginagamot sa Del Carmen Hospital habang ang dalawa ay nasa Trauma Center sa Urdaneta City.

Napag-alamang huling bumisita si Pangulong Arroyo sa grotto sa gitna ng plantasyon ng palay noong Hunyo 18, 2005 matapos na sumambulat ang balitang jueteng payola na isinasangkot ang First family kabilang na si First Gentleman Mike Arroyo; anak na si Pampanga Rep. Mikey Arroyo at Presidential brother-in-law Negros Occidental Rep. Ignacio Arroyo.

Kapag nahaharap sa krisis ang Pangulo ay nagpupunta ito sa nasabing grotto upang aliwin ang kanyang sarili sa pananalangin. (Ulat nina Eva Visperas at Joy Cantos)

vuukle comment

CHIEF INSP

DEL CARMEN HOSPITAL

EVA VISPERAS

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

IGNACIO ARROYO

JOY CANTOS

MIKEY ARROYO

NEGROS OCCIDENTAL REP

PAMPANGA REP

PANGASINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with