Duguang bumulagta si Mangali Dimas na sangkot sa serye ng kidnapping noong 1997 at nasakote ng mga tauhan ng pulisya sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat.
Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya, si Dimas ay sinisiyasat ng mga imbestigador tungkol sa pagiging lider nito sa pagdukot ng 40 obrero ng Phil. National Oil Company sa Barongis, Maguindanao noong 1997 sa isang safehouse nang mang-agaw ng baril at mamaril.
Napilitang paputukan ng pulisya si Dimas na ikinasawi nito. (Ulat ni John Unson)