Isinagawa ang operasyon sa pamumuno nina Enforcement and Security Service-Customs Police District (ESS-CPD) commander Major Camilo P. Cascolan Jr.; BoC Port of Subic Collector Atty. Andy Salvacion at Anti-Smuggling Task Force (ASTF), sa malaking bodega at nakumpiska ang may 33-toneladang ukay-ukay at ibat ibang uri ng kagamitang personal na nakaimbak sa mga container van.
Napag-alaman na ang dalawang container van ay ipinasok sa Freeport noong Enero 2005 mula sa San Pedro, California, USA ng shipper nitong World Class Freight, Inc., sa West Victoria St, Long Beach California, habang ang consignee naman ng mga smuggled contrabands ay ang TransWorld Brokerage Corp., ng Regina Bldg., Escolta St., Manila.
Pinaniniwalaang nakatakda sanang ipuslit palabas ng Subic Bay Freeport ang nakumpiskang mga imported smuggled clothings patungo sa Maynila at Bulacan, kundi lamang sa epektibong intelligence networking ng mga tauhan ng BoC. (Ulat ni Jeff Tombado)