Beautician pinatay sa apartment

CAVITE — Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 42-anyos na lalaki na pinaniniwalaang bading ng hindi kilalang lalaki sa naganap na karahasan sa Barangay Panapaan, Bacoor, Cavite kamakalawa. Duguang tinakpan pa ng kumot ang bangkay ni Rodel Alvarado ng Unit-H, Maria Asuncion St., Lucia Village ng nabanggit na barangay. Anggulong salapi ang isa sa motibo ng krimen ang sinisilip at pinaniniwalaang kakilala ng biktima ang killer. (Ulat ni Lolit Yamsuan)

Show comments