^

Probinsiya

8 notoryus na holdaper tiklo

-
CAVITE — Walo-katao na pinaniniwalaang pangunahing suspek sa panghoholdap at pagpatay sa isang Koreano may ilang araw na ang nakalipas at sangkot din sa serye ng holdapan ang nadakma ng mga tauhan ng pulisya sa isinagawang operasyon sa Barangay Salawag, Dasmariñas, Cavite kahapon.

Kabilang sa nadakip na suspek na kasapi ng Fernando Cagoco Organized Crime Group ay nakilalang sina: Fernando T. Diza, 46; Jina U. Diza, 39; Nolito T. Opiana, 35; Abelardo M. Capistrano, 49; Rolando D.C. Mondido, 29; Alexander C. Arevalo, 25;Christian M. Torio at Joel V. Manipol, 30.

Kasalukuyan namang tinutugis ang iba pang suspek na sina: Junior Dagsa; Bernard Manipol; Fernando Cagoco; Jose Ronald Callanga at alyas Angelo Tinu.

Base sa ulat, isa sa kontrobersyal na krimen na kinasasangkutan ng mga suspek ang panghoholdap at pagpatay kay Seok Soo Lee, vice president ng Keyrin Electronics, Inc. sa EPZA, Rosario. Responsable rin ang mga suspek sa naganap na holdapan sa J.S. Grocery sa Zapote, Las Piñas City noong June 13, 2005, Petron Gasoline Staion sa Brgy. Palico 4, Imus at Brgy. Niog, Bacoor, Smile Grocery sa bayan ng Rosario at dalawang negosyante sa Blumentritt, Manila at Imus, Cavite. (Ulat nina Cristina Timbang at Lolit Yamsuan)

ABELARDO M

ALEXANDER C

ANGELO TINU

BARANGAY SALAWAG

BERNARD MANIPOL

BRGY

CAVITE

CHRISTIAN M

CRISTINA TIMBANG

DIZA

FERNANDO CAGOCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with