^

Probinsiya

Bus hulog sa bangin: 3 patay

-
CABANGAN, Zambales — Tatlo-katao ang iniulat na nasawi, habang sampu pa ang malubhang nasugatan makaraang mahulog sa bangin ang pampasaherong bus na pinaniniwalaang sumabog ang unahang gulong kamakalawa ng umaga sa highway na sakop ng naturang bayan.

Kabilang sa namatay ay nakilalang sina Bienvinida , 45 at Ismael Elcaldre,19, ng Barangay Magsaysay, Castillejos, Zambales at isang hindi pa nakilalang sanggol na lalaki na tinatayang nasa apat na buwan pa lamang.

Ginagamot naman sa Ramon Magsaysay Memorial

Hospital ang mga sugatang sina Elsa Valdez; Jerry Ocampo, 32; Jenalyn Ocampo, 29, mag-amang Roberto, 54 at Rigor Tombali ng Cabangan, Zambales; Mercedita del Monte, 51, ng Subic, Zambales; Irene Ecaldre, 11; Jeremel Sarabia, 10, ng Castillejos, Zambales at ang mag-asawang Ben Ignacio, 43 at Analiza, 37, na kapwa residente ng San Antonio, Zambales.

Sa ulat, binabagtas ng Ace Transit Bus (NDN-482) sakay ang mga biktima ang kahabaan ng nasabing highway patungo sa bayan ng Alaminos, Pangasinan nang biglang sumabog ang kanang-unahang gulong.

Dahil sa pangyayari ay nawalan ng kontrol ang drayber at nagtuluy-tuloy na nahulog sa malalim na bangin. (Ulat ni Jeff Tombado)

ACE TRANSIT BUS

BARANGAY MAGSAYSAY

BEN IGNACIO

CASTILLEJOS

ELSA VALDEZ

IRENE ECALDRE

ISMAEL ELCALDRE

JEFF TOMBADO

JENALYN OCAMPO

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with