Nene kinatay ng 'baliw'
June 21, 2005 | 12:00am
LEMERY, Batangas Pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang 11-taong gulang na babae ng isang 29-anyos na lalaki na pinaniniwalaang may kapansanan sa pag-iisip habang ang biktima ay papasok ng paaralan sa Barangay Maigsing Dahilig ng bayang ito noong Biyernes ng umaga (Hunyo 17, 2005).
Base sa ulat na tinanggap ni P/Chief Supt. Jesus Versoza, regional director ng CALABARZON-PNP, ang biktima ay nakilalang si Liezel Barredo, grade 5 pupil sa Maigsing Dahilig Elementary School at residente ng nabanggit na barangay.
Naisugod pa ang biktima sa Our Lady of Caysasay Hospital, subalit ilang sandali ay binawian ng buhay dahil sa tinamong sugat ng itak sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Kaagad namang naaresto ng mga tauhan ng pulis-Lemery ang suspek na si Godwin Bathan, 29, binata, walang trabaho at pinaniniwalaang maykapansanan sa pag-iisip.
Lumilitaw sa imbestigasyon ni PO3 Agapito Rey Landicho, naganap ang krimen bandang alas-6 ng umaga habang naglalakad ang biktima papasok sa eskwelahan nang madaanan nito ang suspek na may hawak na bolo at posibleng sinusumpong ng sakit sa pag-iisip.
Matapos na mapatay ang biktima ay tumakbo ang suspek, subalit nadakma ng mga rumespondeng opisyal ng barangay at pulisya.
Narekober sa suspek ang 48 cm na haba ng bolo na may bahid pa ng dugo. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest