Hello Garci tapes nasa supermarket
June 20, 2005 | 12:00am
Camp Crame Isang plastic shopping bag na nakalagay sa baggage counter ng isang supermarket ang nasamsaman ng mga compact discs (CDs) na naglalaman ng kontrobersyal na Hello Garci tapes at isang basyo ng magazine ng M-14 rifle sa Angeles City kamakalawa.
Ang Hello Garci tapes ay umani ng popularidad matapos na magkainteres ang milyong Filipino na ibig makarinig ng kontrobersyal na wiretapped conversation sa umanoy sabwatan sa pandaraya sa 2004 national elections sa pagitan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at Comelec Commissioner Virgillo Garcillano.
Base sa report, agad nagresponde sa Johnnys Supermarket ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Angeles City Police matapos makatanggap ng impormasyon na naka-check-in sa nasabing supermarket ang ilang piraso ng Hello Garci tapes.
Nasamsam sa lugar ang isang plastic bag na may pulang stripe na may lamang apat na kulay kayumangging envelope, isa rito ay may kasamang isang basyo ng M14 magazine at apat na kontrobersyal na CDs.
Agad namang ipinag-utos ni Police Regional Office (PRO) 3 Director Chief Supt. Alejandro Lapinid na iturn-over sa Camp Crame ang nakumpiskang CDs na di natukoy kung sino ang may-ari. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended