Trader hinoldap,dinukot saka tinodas
June 19, 2005 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Isang 44-anyos na mayamang negosyante ang hinoldap habang kasama nito ang buong pamilya bago dinukot at tinodas ng mga hindi kilalang lalaki sa Barangay Pambisan Malaki sa bayan ng Pinamalayan, Oriental Mindoro kamakalawa.
Kinilala ni P/Senior Supt. Victorio Caragan Jr., hepe ng Regional Operation and Plans Division ng PRO4, ang biktimang si Alex Mangonday ng Barangay Maligaya sa bayan ng Gloria, Oriental Mindoro.
Sa ulat, bandang alas-8 ng gabi nang dumating sa kanilang bahay si Alex kasama ang buong pamilya sakay ng Hyundai van (XHF-556).
Agad na hinarang ng mga hindi kilalang lalaki na nag pakilalang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at pulisya ang buong pamilya Mangonday bago nilimas ang lahat ng mamahaling alahas at malaking halaga.
Bago tumakas ng mga holdaper ay dinukot pa si Alex kasama ang sariling sasakyang Hyundai van.
Kinabukasan, Hunyo, 17, 2005 ay natagpuan ang bangkay ni Alex na may tama ng bala ng baril sa mukha at saksak ng patalim sa tiyan na nakabulagta sa gilid ng kalsadang sakop ng Barangay Road dakong alas-6:35 ng umaga. Patuloy na sinisiyasat ng pulisya ang nasabing kaso. (Ulat nina Arnell Ozaeta at Angie de la Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 1, 2024 - 12:00am
November 29, 2024 - 12:00am