Dancer tinodas dahil sa selos

BAGUIO CITY – Pinaniniwalaang matinding selos kaya pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 28-anyos na night club dancer ng kapwa mananayaw na babae sa naganap na rambulan sa loob ng Baguio Lisa Club sa kahabaan ng Abanao Street kamakalawa ng madaling-araw.

Ang biktimang si Grace delos Reyes ng Balingasan, Misamis Oriental ay pinagselosan ng suspek na si Marjorie Lagina at isang alyas Irish. Nadakip naman ang isa pang suspek na si Mary Ann Ramos ng Davao City. Sa ulat ng pulisya, pinagselosan ng mga suspek ang biktima dahil sa paboritong i-table ng mga kliyente na nagpupunta sa nasabing club. (Ulat ni Artemio Dumlao)

Show comments