Mag-asawa sinalpok kotse, misis dedo

Nasawi ang isang ginang habang nasa kritikal na kondisyon ang asawa nito matapos na masalpok ng kotse na binangga ng isang ten wheeler truck kamakalawa ng gabi sa Teresa, Rizal.

Ang mga biktima ay ang mag-asawang sina Esper at Gary Solomon ng E. Rodriguez Ave., Brgy. May-Iba ng bayang nabanggit.

Tumakas naman ang suspek na nakilala lamang sa pamamagitan ng ID na naiwan na si Romy Tanlaria ng Sito Lower Buhangin, Antipolo City.

Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi habang pababa ang ten wheeler truck (TCC-644) ng suspek sa kahabaan ng zig-zag road ng nasabing barangay nang ito umano ay mawalang ng giya.

Dahil sa hindi na nito makontrol ang manibela ay isinalpok na lamang nito sa kotse.

Kaya naman ang kotse na sinalpok ng truck ay tumama naman sa mag-asawa na sa mga oras na iyong ay nag-aabang ng masasakyan. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments