2 kahera hinoldap

CAVITE — Dalawang kahera ng Petron na pinaniniwalaang magdedeposito ng malaking halaga sa bangko ang hinoldap ng dalawang hindi kilalang lalaki na sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng Aguinaldo Highway na sakop ng Barangay Palico 4, Imus, Cavite kamakalawa.

Sakay ng Nissan Patrol na may plakang SBD-267 sina Ma. Cecilia Sabater at Cherylyn Lampa nang harangin ng motorsiklo sakay ang dalawang kalalakihan. Hindi na nakapalag ang drayber ng sasakyan matapos itong tutukan ng baril, kasabay na kinuha ang bag na naglalaman ang P1.1-milyong kinita ng gasolinahan na pag-aari ni Vicente Amposta. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments