Estudyante tinodas sa sayawan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 20-anyos na estudyante sa high school ng isang dating rebeldeng New People’s Army makarang kaingitan sa Barangay Pinamihagan, Lagonoy, Camarines Sur kahapon ng madaling-araw.

Napuruhan sa katawan ang biktimang si Gerry Barcebal ng Barangay Lato, Gao, samantalang tinutugis ng pulisya ang suspek na si Oscar Ogmar. Nabatid na ang biktima ay naimbitahan lamang ng mga kaibigan sa piyestahan at habang sumasayaw ay pinaputukan ng suspek. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments