Trader dedo sa pananambang

Cavite – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 67-anyos na negosyanteng lalaki habang sugatan naman ang kasamang babae sa naganap na karahasan sa kahabaan ng Governor’s Drive na sakop ng Barangay Sabang, Naic, Cavite kamakalawa ng gabi.

Hindi na naisugod sa ospital ang biktimang si Nicolas Lim Lainez, habang ginagamot naman ang sugatang si Bever Ricarte Floresca, 27, ng Barangay Habay 1, Bacoor, Cavite. Ayon kay SPO1 Rodolfo Arboleda, ang dalawa ay lulan ng owner type-jeep (DLN-811) nang ratratin ng mga hindi kilalang lalaki. Patuloy na sinisiyasat ng pulisya ang naganap na pamamaslang. (Ulat nina Cristina Timbang at Lolit Yamsuan)

Show comments