Korean exec, dinukot
June 14, 2005 | 12:00am
CAMP VICETNE LIM, Laguna Blanko pa rin ang mga tauhan ng pulisya sa kondisyon ng isang Korean executive na iniulat na nawawala at pinaniniwalaang dinukot ng mga hindi kilalang kalalakihan sa bahagi ng Trece Martirez City, Cavite noong Biyernes ng hapon.
Kinilala ni P/Chief Supt Jesus Verzosa, regional director ng Calabarzon, ang biktima na si Gwak Nyok Hak, 53, opisyal ng Korean Association, EPZA Chapter.
Ayon kay Verzosa, tumawag sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus ang isang Mr. YB Lee, presidente ng naturang samahan upang ipagbigay-alam ang pagkawala ng biktima.
Huling namataang buhay ang biktima sa Barangay Daang Amaya, Tanza, Cavite kasama ang live-in partner nitong si Shirley Toribio at ang kanyang ina sakay ng berdeng Honda City (WLE-855) matapos makipag-usap sa cellphone sa isa ring hindi nakilalang Koreano.
Ayon kay Toribio, ibinaba siya ng biktima sa STI sa Rosario, Cavite samantalang bumaba naman sa Noveleta, Cavite ang kanyang ina bago tumuloy sa Trece Martirez City kung saan sila magkikita ng kausap.
Bandang alas-singko ng hapon nang tawagan ni Toribio ang biktima upang itanong kung susundo sa STI, subalit sinabihang umuwi na lamang ng mag-isa.
Dakong alas-8 ng gabi noong araw ding iyon, sinubukan ni Toribio na tawagan sa cellphone ang biktima, subalit naka-off hanggang humingi ng tulong ang babae sa ibang kaibigang Koreano.
Natagpuan naman ang sasakyan ng biktima na abandonado sa Barangay Cabuco, Trece Martirez City noong madaling-araw ng Sabado, June 11 na basag ang likurang bahagi ng salamin. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest