^

Probinsiya

2 preso patay sa bigong jailbreak

-
Camp Crame – Dalawang bilanggo ang napatay ng mga nagrespondeng jailguard matapos na tangkaing tumakas sa kanilang kinapipiitang selda sa Sultan Kudarat Provincial Jail, Kalawag II, Isulan, Sultan Kudarat kamakalawa.

Kinilala ang mga napatay na preso na sina Johari Wahab, 23-anyos at Melham Abubakar, 20; kapwa nahaharap sa kasong murder at frustrated murder.

Base sa report, dakong alas-11:20 ng umaga nang tangkaing tumakas ng mga ito sa pamamagitan ng pag-akyat sa isang improvised na hagdanan sa silangang bahagi ng mataas na bakuran ng nasabing piitan.

Gayunman ay agad ang mga itong napansin ng jailguard na si Joriel de la Madrid, duty guard sa Post Number 2 gate kaya’t agad inalerto ang kaniyang mga kasamahan sa nasabing piitan.

Subali’t sa halip na sumuko ay nagpatuloy sa pagtakas ang dalawang bilanggo kaya napilitan ang mga jailguard na barilin ang mga ito hanggang sa napatay sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Narekober mula sa bangkay ng dalawang preso ang dalawang piraso ng icepicks habang patuloy ang imbestigasyon sa kasong ito. (Joy Cantos)

vuukle comment

CAMP CRAME

DALAWANG

GAYUNMAN

JOHARI WAHAB

JOY CANTOS

MELHAM ABUBAKAR

POST NUMBER

SULTAN KUDARAT

SULTAN KUDARAT PROVINCIAL JAIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with