Nambastos sa videoke bar tinodas

UNISAN, Quezon — Dahil sa pambabastos sa isang misis ay pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 25-anyos na lalaki ng mister ng una sa loob ng videoke bar sa Barangay Kalilayan sa bayang ng Unisan, Quezon kamakalawa ng gabi. Nagtamo ng sugat sa leeg at katawan ang biktimang si Randy Fornaga, samantalang tugis ng pulisya ang suspek na si Armando Amparo.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Gomez Martinez, Naunahan ang biktima ng suspek sa mikropono kaya nagalit ito hanggang sa magtalo. Pinaubaya na ng biktima ang mikropono sa suspek, subalit binastos naman ang misis ng huli. Dito nagalit ang suspek hanggang sa maganap ang krimen. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments