3 holdaper nadakma
June 12, 2005 | 12:00am
CABAROGUIS, Quirino Tatlo sa limang kalalakihan na pinaniniwalaang notoryus na holdaper ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya makaraang holdapin ang dalawang pampasaherong sasakyan sa Barangay Macate sa bayan ng Diffun, Cabaroguis sa lalawigang ito.
Iniharap sa mga mamamahayag ni P/Supt. Pedro Cuntapay, provincial director kay Quirino Gov. Pedro Bacani ang mga suspek na sina Jerry Tagyapin, 19; Jerome Balante, 22; at Romeo Palacsa, 33, na pawang residente ng Kasibu, Nueva Vizcaya.
Base sa ulat ng pulisya, magkasunod na hinarang ng mga suspek ang dalawang pampasaherong sasakyan saka nilimas ang salapi at personal na gamit ng mga pasahero.
Matapos na holdapin ang dalawang sasakyan ay agad na tumakas ang mga suspek sa magubat na bahagi ng nasabing lugar habang ang mga biktima naman ay nagtungo sa Diffun PNP upang magreklamo.
Sa isinagawang follow-up operation ay nadakma ang tatlong suspek sa holdap at nabawi ang limang baril at P2,500 habang pinaniniwalaang nasa dalawa pang nakatakas na holdaper ang mga alahas, cellphone at iba pang pera na nakuha mula sa mga biktima. (Ulat ni Victor Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest