^

Probinsiya

2 estudyante kinatay

-
NUEVA ECIJA – Dalawang estudyante na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuan ng mga awtoridad sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito kamakalawa, ayon sa ulat ng pulisya.

Ayon sa ulat ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), unang natagpuan ang bangkay ng lalaking estudyante sa may Sitio Labut, Barangay Malaya, Sto. Domingo, Nueva Ecija, noong Huwebes ng gabi.

Hinihinala ng pulis Sto. Domingo na sinalvage ito sa ibang lugar at doon lamang itinapon ng mga hindi kilalang suspek. Ang biktima ay may 3 malalalim na saksak sa kanyang dibdib at 2 saksak sa leeg.

Inaalam pa ng pulisya ang pangalan nito at maaaring makatulong umano ang nakuhang student driver’s license dito na may nakarehistrong pangalan na Roland D. Torres.

Inilarawan ang biktima na may taas na 5’5’ hanggang 5’7’, nakasuot ng itim na shorts, t-shirt na puti, brown belt, naka-itim na sandals at nakasuot ng pulang sombrero.

Sumunod naman ang bangkay ni Ailene Crista dela Cruz, isang 3rd year veterinary medicine sa Central Luzon State University (CLSU) at tubong Balanga City, Bataan, na natagpuang nakahandusay sa isang bakanteng lote malapit sa gate ng CLSU sa may Tobias Village, Batangay Bantug, Muñoz Science City noong Biyernes ng umaga.

Ayon kay P/Chief Inspector Cresencio de Asis, pinuno ng Nueva Ecija Crime Lab Office, ang biktima ay laslas ang leeg at may mga pasa sa katawan.

Ayon sa ulat, noong gabi ng Huwebes, lumabas ang biktima sa kanyang boarding house para bumili ng ulam nang harangin ng mga hindi kilalang lalaki at dinala umano sa isang lugar.

Hinala ng pulisya ay hinalay muna umano bago pinatay ang biktima. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

AILENE CRISTA

AYON

BALANGA CITY

BARANGAY MALAYA

BATANGAY BANTUG

CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY

CHIEF INSPECTOR CRESENCIO

CHRISTIAN RYAN STA

DOMINGO

HUWEBES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with