Doktora, nakuryente sa banyo

IBA, Zambales – Maagang kinalawit ni kamatayan ang isang 34-anyos na doktora makaraang makuryente habang hawak ang dulo ng stainless hose ng water heater na gagamitin sa pagligo sa Barangay Palanginan sa bayang nabanggit kahapon. Base sa ulat ni P/Senior Inspector Remegio Magno, police chief sa bayan ng Iba, ang biktimang hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ay nakilalang si Ma. Cecilia Calaycay. Inaalam pa ng pulisya kung may naganap na foul play sa aksidenteng pagkamatay ng biktima. (Ulat ni Fred Lovino)

Show comments