2 dalaga hinalay ng mga adik

CAMP AGUINALDO – Masaklap ang sinapit na kapalaran ng dalawang waitress makaraang halayin ng anim na kalalakihan na pinaniniwalaang lango sa droga sa bahagi ng Barangay Rio Hondo sa Zamboanga City, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ng pulisya, ang mga biktimang itinago sa pangalang Sunshine, 29 at Jenny, 24 ay sakay ng pedicab nang harangin at kaladkarin sa nabanggit na lugar saka halinhinang hinalay dakong alas-4 ng madaling-araw. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments