MILF tumulong na sa AFP vs 2 Bali bombers
June 10, 2005 | 12:00am
Nagpakalat na kahapon ng puwersa ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na gumagalugad sa kabundukan ng ilang bahagi ng Mindanao upang tumulong sa AFP sa pagtugis sa 2 Indonesian Jemaah Islamiyah (JI) terrorist na responsable sa Bali, Indonesia bombing na kumitil sa mahigit 100-katao noong 2002.
Ayon kay MILF Spokesman Eid Kabalu, pakay ng kanilang grupo na madakip sina Pitono, alyas Dulmatin at isang Umar Patek, kapwa kinatatakutang Indonesian JI terrorist na ngayoy nagtatago sa nasabing lugar.
Base sa nakalap na impormasyon ni Kabalu, sina Dulmatin at Patek ay nakihalubilo na sa mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG).
Sina Dulmatin at Patek ay kasamahan ni Indonesian terrorist Rohmat alyas Zaki na nasakote ng militar sa Central Mindanao noong Marso 16.
Pinasimulan na ng MILF na suyurin ang mga lalawigan ng Maguindanao at Lanao del Sur para mapadali ang paghahanap sa dalawang terorista.
Magugunita kamakailan na pinagtibay at lumagda ang MILF sa isang kasunduan sa Philippine government para sa paglikha ng Adhoc Action Group na naglalayong tumulong ang grupo sa separatistang rebelde sa tropa ng militar sa pagtugis sa mga pinaghihinalaang terorista at kriminal. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest