^

Probinsiya

NPA commander todas sa shootout

-
Napaslang sa shootout ang isang notoryus na lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos manlaban sa mga operatiba ng pulisya at militar ng maaktuhang nangingikil ng revolutionary tax sa mga negosyante ng Brgy. Cagbalogo, Vinsons, Camarines Sur kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Willy Mancera alyas Ka Francis/ Willy Paraiso na ideneklarang dead-on-arrival sa kanugnog na Camarines Sur Provincial Hospital matapos na magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa ulat, dakong alas-12:30 ng tanghali ng makatanggap ng impormasyon ang mga elemento ng Vinzons Municipal Police Station at Army’s 9th Infantry Division (ID) hinggil sa presensiya sa nasabing lugar ni Mancera na puwersahang nangingikil ng revolutionary tax sa mga may-ari ng fishpond sa nasabing lugar.

Nabatid na tinangkang hulihin ng mga awtoridad si Mancera subali’t bigla itong nagbunot ng baril at pinaputukan ang arresting team na nauwi sa shootout.

Sa tala ng pulisya at militar, nabatid na si Mancera ay aktibong nagsasagawa ng operasyon sa mga bayan ng Labo, Vinzons at Talisay ng nabanggit na lalawigan at siyang responsable sa pagsalakay sa Sta. Elena Municipal Police Station at Lopez Municipal Police Station sa Quezon noong nagdaang taon.

Narekober sa lugar ang isang cal. 357 pistol, backpack na naglalaman ng mga personal na kagamitan ng biktima at ang bangkay ng suspek ay inilagak na sa Vinzons Funeral Parlor. (Ulat nina Ed Casulla / Joy Cantos)

vuukle comment

CAMARINES SUR

CAMARINES SUR PROVINCIAL HOSPITAL

ED CASULLA

ELENA MUNICIPAL POLICE STATION

INFANTRY DIVISION

JOY CANTOS

KA FRANCIS

LOPEZ MUNICIPAL POLICE STATION

MANCERA

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with