^

Probinsiya

Engkuwentro: 4 NPA rebels todas

-
CAMP MELCHOR DELA CRUZ, Gamu, Isabela – Apat na rebeldeng New People Army (NPA) kabilang ang dalawang amasona ang kumpirmadong napatay habang dalawa namang sibilyan ang nasugatan sa naganap na madugong engkuwentro ng military at grupo ng makakaliwang kilusan sa liblib na bahagi ng Sitio Nagsabaran sa Barangay Benito Soliven, Isabela kamakalawa.

Nagtagal ng isang oras ang sagupaan na nagsimula bandang alas-7:30 ng umaga bago umatras ang mga rebelde laban sa tropa ng 45th Infantry Battalion.

Ayon kay Army Major Victor Tanggawohn Jr., tagapagsalita ng 5th Infantry Division, Kasalukuyang pang bineberipika ang pagkikilanlan ng mga napatay na rebelde na pinaniniwalaang mula sa grupo ng Henry Abraham Command na may operasyon sa lambak ng Cagayan.

Kinilala naman ang magkapatid na babae na sina Edralyn, 24 at Milagros Concepcion,11 na tinamaan ng ligaw na bala ng baril. Wala naman naiulat na namatay o nasugatan sa panig ng militar. (Ulat ni Victor P. Martin)

vuukle comment

ARMY MAJOR VICTOR TANGGAWOHN JR.

BARANGAY BENITO SOLIVEN

HENRY ABRAHAM COMMAND

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

ISABELA

MILAGROS CONCEPCION

NEW PEOPLE ARMY

SITIO NAGSABARAN

VICTOR P

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with