^

Probinsiya

P 220-M marijuana nasamsam

-
LAGAWE, Ifugao — Tinatayang aabot sa P220-milyong puno ng marijuana ang nasamsam ng mga tauhan ng pulisya makaraang salakayin ang anim na ektaryang plantasyon sa bulubunduking sakop ng Barangay Ahin sa bayan ng Tinoc, Ifugao, ayon sa ulat kahapon.

Sa naging pahayag ni P/Senior Supt. Alexander Pumecha, Ifugao provincial director, ang pagsalakay sa anim na plantasyon ay bunsod ng impormasyong nakalap ng pulisya mula sa ilang residente at tiktik ng pamahalaan sa nabanggit na barangay.

Agad na bumuo ng team si Pumecha na kinabibilangan ng Tinoc PNP, Ifugao PNP Provincial Office at Cordillera Regional Mobile Group upang isagawa ang operasyon.

Sa naantalang ulat, napag-alamang limang araw na clearing operation ang isinagawa sa pangunguna ni Gen. Noe Wong, Cordillera police regional director noong May 17 hanggang May 21 na nagresulta sa pagkadiskubre at pagwasak sa anim na plantasyon ng mga malalaking puno ng marijuana sa iba’t ibang parte ng masukal na kagubatan.

Wala namang nasakoteng sibilyang nagbabantay sa plantasyon na pinaniniwalaang nagsitakas matapos na matunugang magsasagawa ng pagsalakay ang mga tauhan ng pulisya.

Ayon pa sa ulat, ang nasabing plantasyon ng marijuana ay pinaniniwalaang pinakamalaking nadiskubre o nabawi sa buong Cordillera ng pulisya. (Ulat ni Victor P. Martin)

vuukle comment

ALEXANDER PUMECHA

AYON

BARANGAY AHIN

CORDILLERA REGIONAL MOBILE GROUP

IFUGAO

NOE WONG

PROVINCIAL OFFICE

SENIOR SUPT

TINOC

VICTOR P

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with