Ni-rape slay sa Laguna, kinilala
June 4, 2005 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Positibong kinilala ng kanyang mga magulang ang bangkay ng isang mestisang babae na natagpuang may busal na panty at nakagapos sa sariling bra at nakasako sa Barangay Marinig, Sala Road kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni P/Supt. Jose Fernandez Jr. chief of police ng Cabuyao, ang biktimang si Margie Ruiz, 14, ng 140 Acacia St., Barangay Looc, Calamba City.
Ayon sa ulat, bago natagpuan ang bangkay ni Ruiz, sinundo pa umano ito ng kanyang ninong na si Erick Opena, isang jeepney driver, upang ihatid sa pinapasukan nitong trabaho sa Calamba Public Market bandang alas-11:30 ng gabi noong Martes, May 31.
Pinuntahan ng mga magulang ng dalaga si Opena na siya umanong pinakahuling kasama nito bago ito nawala upang itanong kung nasaan ang biktima.
Mariin namang itinanggi nito na may kinalaman siya sa pagkawala ng dalaga at nagsabing ipa-police blotter na lang daw ang insidente.
Dahil sa nag-alala ang mga magulang nang hindi umuwi ang biktima kinabukasan kaya ipina-blotter nila sa himpilan ng pulisya sa pag-aakalang may nangyaring masama.
Nakatakda namang imbitahan si Opena sa himpilan ng pulis upang imbestigahan kung sangkot ito sa naganap na krimen. (Ulat nina Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended