Dalaga tinodas ng pulis-Gapo
June 4, 2005 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Matinding selos ang nag-udyok sa isang pulis para pagbabarilin hanggang sa mapatay ang kanyang girlfriend sa naganap na madugong insidente sa San Antonio, Zambales kamakalawa.
Dead-on-arrival sa Mount Carmel Family Clinic sanhi ng dalawang tama ng bala sa ulo ang biktimang kinilalang si Leah Lucena, 27.
Pinaghahanap naman ang suspek na kinilalang si PO3 Judy Valdez Babubay, ng Olongapo City Police Office.
Base sa ulat, ang insidente ay naganap sa Brgy. San Juan, San Antonio, Zambales dakong alas-12:35 ng madaling-araw.
Sa salaysay nina Renz San Andres at Edwina Gumatay; kamag-anak ng biktima, bumisita ang suspek sa bahay ng kanyang girlfriend kung saan nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng magkasintahan.
Nagseselos ang nasabing pulis sa isang lalaking di tinukoy ang pangalan nanakita nitong minsang kausap ng biktima hanggang sa awayin na nito ang dalaga.
Ilang saglit pa, dalawang malakas na putok ng baril ang narinig nina San Andres at Gumatay, bunsod upang mapatakbo sila sa may sala at natagpuang umaagos ang dugo sa ulo ng biktima matapos barilin.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa kasong ito kasunod ng inilunsad na hot pursuit operations sa tumakas na parak. (Ulat nina Joy Cantos at Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest