5 tinedyer tiklo sa karnaping
LUCENA CITY Limang kabataang lalaki na pinaniniwalaang sangkot sa kasong karnaping ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya sa bahagi ng Quezon Avenue, Lucena City kahapon ng madaling-araw. Pormal na sinampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina: Mario Aldovino, 23; Jayson Ricafort; Leo Allan Sanggalang, 19; Ramoncito Arconada, 20; at Marlon Layos. Sa ulat ni PO2 Noel Diocos, ang mga suspek ay inireklamo ni Mark Nicolas Rances na naging biktima ng agaw-motorsiklo ng grupo. (Ulat ni Tony Sandoval)