Kinainggitan sa sayawan dinedo

SARIAYA, Quezon — May posibilidad na kinainggitan sa sayawan ang isang 34-anyos na lalaki kaya binaril at napatay sa Barangay Montecillo ng bayang ito kamakalawa ng madaling-araw. Isang tama ng bala ng baril sa dibdib ang tumapos sa buhay ni Wenelito Corachea, samantalang ang suspek na agad tumakas ay nakilalang si Rodney Buelo, 37, kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Ayon kay PO3 Rico Perez, nagalit ang suspek dahil sa kahusayang magsayaw ng biktima kaya isinagawa ang krimen. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments