Nasa kritikal na kondisyon naman si Leonard Baladad Sr., 41, na pawang residente ng nabanggit na barangay.
Naisugod ang iba pang biktima sa mga nasabing ospital na ang pinakabatang biktima ay si Love Joy Valdez, 5, samantalang ang pinakamatanda ay 70-anyos na si Taofilo Valdoz na pawang magkakamag-anak. Kabilang din sa nalason ng paksiw na isda ay sina Rocky Baladad; ang misis na si Florenda; Patrocinia, ina; Maypril; Christian at Leonard Jr. na pawang may apelyidong Baladad. Ayon sa pulisya, ang nasabing isda ay nabili sa mag-asawang fish vendor na sina Gloria, 40 at Jun Tamana na ginagamot din sa ospital.
Sa pahayag nina Dr. Thea Abalos at Dr. Allan Laguardia ng pediatric and internal medicine sections, ang mga biktima ay nakaranas ng pamamanhid ng dila at pagsusuka matapos na kumain ng goby.
"Kapag ang biktima ay kumain ng 10 hanggang 15 piraso ng nasabing isda ay makakaranas ng bahagyang pagkalason, subalit sa mga kumain ng 30 hanggang 50 piraso ng isda ay siguradong malalagay sa panganib ang kalusugan," dagdag pa ng dalawang doktor.
Base sa salaysay ng mga biktima, ang nakain nilang isda ay kulay-kape na batik-batik na pinaniniwalaang nagtataglay ng lasong tetrodotoxin na sanhi ng paralysis. (Ulat nina Eva Visperas at Joy Cantos)