Pinagselosang drayber tinodas

BULACAN — Pinaniniwalaang matinding selos ang umiral kaya pinagsasaksak hanggang sa mapaslang ang isang 33-anyos na drayber ng isang kasapi ng Bantay-Bayan sa Barangay Banga 2nd, Plaridel, Bulacan kamakalawa. Binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital ang biktimang si Marvin Labutang ng Pulilan, Bulacan, samantalang ang suspek na ngayon ay naghihimas ng rehas na bakal ay nakilalang si Alfredo Santos, 55, ng nabanggit din barangay.

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya, namataan ang biktima na nakikipagbiruan sa babaeng ka-live-in ng suspek na minasama naman nito kaya naganap ang krimen. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments