Pentagon KFR member timbog

Koronadal City – Bumagsak nitong Sabado sa mga awtoridad ang isang notoryus na miyembro ng Pentagon kidnap-for-ransom (KFR) gang na responsable sa pagdukot sa mga empleyado ng isang kumpanya ng langis sa Maguindanao may 8 taon na ang nakalilipas. Kinilala ni Sr. Inspector Dindo Duruin, Intelligence and Investigation Chief ng Sultan Kudarat Provincial Police Office ang suspek na si Khadafy alyas Toks.

Nabatid na ang suspek ay lulan ng isang motorsiklong Kawasaki ng maharang ng mga awtoridad dakong alas-8:30 ng gabi sa kahabaan ng national highway ng Purok Maligaya, Lambayong, Sultan Kudarat. (Ramil Bajo)

Show comments