^

Probinsiya

25-M yen ransom sa 2 Japanese World War II veterans

-
Itinaas na sa 25 milyong yen o $232,000 ng mga rebeldeng Muslim ang ransom kapalit ng pagpapalaya sa pinaghahanap na dalawang beteranong sundalong Hapones na pinaniniwalaang nagtago sa kabundukan ng South Cotabato matapos ang World War II mahigit 50 taon na ang nakakaraan.

Batay sa ulat, ang mga pinaghahanap na sina World War II veterans Yoshio Yamakawa, 87-anyos at Tsuzuki Nakauchi, 85-anyos na inabandona ang 30th Division ng Japanese Imperial Army ay napabalitang nagtatago sa bahagi ng South Cotabato simula noong taong 1948 at ngayo’y kasama na ng mga lokal na rebeldeng Muslim.

Dahil sa pangyayaring ito, ayon kay Major Gen. Raul Relano, outgoing Commander ng Army’s 6th Infantry Division (ID) ay nangangamba sila sa kaligtasan ng tinatayang may 100 Japanese mediamen na dumagsa sa General Santos City upang bantayan ang kaganapan sa search and rescue operations.

Base sa impormasyon, naunang humingi ng 5 milyong yen o $ 46,000 ang mga rebeldeng Muslim kapalit ng pagpapalaya sa dalawang beteranong sundalong Hapones.

Nabatid na nagtago ang dalawang Hapones dahilan ayaw ng mga itong masalang sa court martial matapos na abandonahin ang itinayong himpilan noong kasagsagan ng World War II. Kaugnay nito, tiwala naman ang Japanese Embassy na ligtas na makakabalik na sa Japan ang dalawang beteranong dayuhang sundalo. (Joy Cantos at AFP)

GENERAL SANTOS CITY

HAPONES

INFANTRY DIVISION

JAPANESE EMBASSY

JAPANESE IMPERIAL ARMY

JOY CANTOS

MAJOR GEN

RAUL RELANO

SOUTH COTABATO

WORLD WAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with