5 bata nalunod sa wawa, 6 pa nakaligtas
May 30, 2005 | 12:00am
Limang bata kabilang ang tatlong magkakapatid ang nasawi samantalang nakaligtas naman ang anim na iba pa makaraang aksidenteng tumaob ang sinasakyan nilang bangka habang nagjo-joyride patungo sa isang isla sa Brgy. Wawa, Batangas City kahapon ng tanghali.
Kinilala ni Supt. Cedric Train, hepe ng Batangas City Police ang mga biktima na sina Jomar de la Roca, 8-anyos; mga kapatid nitong sina Jhun Mark, 11 at Jandel, 9; pawang ideneklarang dead on arrival sa Golden Gate Hospital.
Dead on arrival din sa St. Patrick Hospital ang mga pinsan ng mga itong sina Joycel dela Roca, 10 at Pablo Garcia, 9; pawang residente ng Malitam ng nasabing lungsod.
Nasa ligtas namang kalagayan ang anim pang mga bata na nakabalik na sa kanilang mga pamilya.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11 ng umaga ng mapagtripan ng mga bata na mamangka sa ilog ng Brgy. Wawa ng siyudad na ito na walang pahintulot ng kanilang mga magulang kaya nauwi sa trahedya.
Sa pahayag ng residente sa lugar na si Ryan Abo, sa gitna na rin ng kasiyahan ng mga bata ay biglang tumaob ang sinasakyang bangka ng mga ito kung saan makalipas ang ilang minuto ay lumutang sa dagat ang bangkay ng mga biktima na nabigong masagip.
Patuloy naman ang isinasagawang follow-up operations ng mga awtoridad kaugnay sa naganap na insidente.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
18 hours ago
Recommended