6 illegal loggers timbog

Camp Aquino, Tarlac – Anim na pinaghihinalaang notoryus na illegal loggers ang naaresto ng mga elemento ng militar matapos maaktuhang namumutol ng punongkahoy sa kagubatan ng Pantabangan, Nueva Ecija, ayon sa ulat ng mga opisyal kahapon.

Kinilala ni Lt. Col. Preme Monta, Spokesman ng AFP-Northern Luzon Command ang mga nasakoteng suspek na sina Eduard Ortiz at Jomedes Garcia; kapwa ng Brgy. Bayabas, Pantabangan; Manuel Mantille, Ireneo Guevarra, Johnny Montuerto at Seodulo Molina; pawang ng Brgy. East Poblacion ng naturang munisipalidad.

Sinabi ni Monta na ang nasabing grupo ng mga illegal loggers ay nasakote ng mga elemento ng Army’s 7th Infantry Division (ID) sa nasabing lugar.

Itinurn-over na sa kustodya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga nasakoteng illegal loggers habang inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga ito.

Nagpapatuloy naman ang pinalakas na anti-illegal logging campaign ng pamahalaan sa lalawigang ito at mga karatig lugar. (Ulat ni Benjie Villa)

Show comments