9 NPA rebels sumuko
May 29, 2005 | 12:00am
Fort Magsaysay, Palayan City Umani ng tagumpay ang pinalakas na anti-insurgency campaign ng pamahalaan makaraang sumuko sa mga opisyal ng militar ang siyam na miyembro ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa lalawigan ng Aurora, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ni Major Gen. Romeo Tolentino, Chief ng Armys 7th Infantry Division (ID) ang mga nagsisukong rebelde na sina Jerry Doctolero alyas Ka Timber, 18; Rolando de la Cerna alyas Ka Ian; Rommel Abendano, 34; pawang ng San Luis, Aurora.
Ang iba pang mga sumuko ay sina Joel Abendano, 40; Marvin Bitong alyas Ka Betty; Jose Valdez alyas Ka Pepe, 49; Jhun Gonzaga, Warlie Ungreano alyas Ka Rio, 17 at Jake Ungreano alyas Ka Cristy, 23 anyos.
Nabatid na nagpasyang sumuko ang mga ito sa tropa ng Armys 48th Infantry Battalion sa pamumuno ni Lt. Col. Joselito Kakilala dahilan mababa na ang kanilang moral sa hindi magandang pamamalakad sa kilusan.
Kasalukuyan ng sumasailalim sa masusing tactical interrogation ng militar ang mga nagsisukong rebelde. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest