Nakilala ang mga biktima na sina Crisostomo at Rowena Barones na kapwa walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ng mga armadong lalaki habang ang mag-asawa ay lulan ng motorsiklo at binabagtas ang national highway sa Brgy. Lawa ng nasabing bayan.
Dead-on-the-spot ang mga biktima matapos matadtad ng mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan partikular na sa ulo.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.
Sa inisyal na resulta ng imbestigasyon ng pulisya sa kasong ito, sinasabing ang sigalot sa lupang kinatitirikan ng videoke bar ng mag-asawa ang pinaniniwalaang ugat ng krimen.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kaso. (Ulat ni Angie de la Cruz)