Drayber naningil ng pasahe tinodas

PAMPANGA — Pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang isang 54-anyos na traysikel drayber ng dalawang hindi kilalang lalaki makaraang mapikon sa biktima na naniningil ng pasahe, kamakalawa sa Barangay Lapaz sa bayan ng Magalang, Pampanga.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Avelino Guzman ng Barangay San Antonio na pinaslang ng kanyang mga pasahero dakong alas-10 ng gabi matapos na mairita sa paniningil ng biktima. (Ulat ni Resty Salvador)

Show comments