Proyekto, inilunsad ng DepEd sa sinalantang mga bayan sa Quezon
May 26, 2005 | 12:00am
REAL, Quezon Inilunsad ng pamahalaang nasyunal sa pangunguna ng Department of Education (DepEd) sa mga bayan ng Real, Infanta at General Nakar (REINA) ang isang programa na tinawag na "Sagip Eskuwela Program".
Pinangunahan ni DepEd Se. Florencio Butch Abad ang pagbisita sa anim na eskuwelahan sa mga nabanggit na bayan na pawang sinalanta ng bagyo at landslide noong nakalipas na taon na sa ngayon ay under repair & construction.
Kasama din sa pagbisita sina DepEd Reg. IV-A Dir. George Garma, Quezon DepEd Supt. Dr. Azucena Romulo, mga DepEd officials ng Quezon at school officials sa REINA area.
Nagsagawa ng seminar on Psychological Intervention kaagapay ang mga kinatawan mula sa DOH, itoy para magkaroon ng kaalaman ang mga guro kung paano nila mapapanatag ang kaisipan ng mga batang nag-aaral para maalis sa kanilang isipan ang trauma dahil sa trahedya.
Nagkaroon din ng Information Dessimination para sa Sagip Eskuwela School Building Project, Debriefing and Training of Teachers at Medical and Dental Mission.
Dumalo ang lahat ng guro mula 12 paaralan para sa seminar at information dessimination, gayundin sa Medical at Dental Mission.
Sa Infanta ay binisita ang pagre-repair ng Abiawin Elem. School at Infanta NHS kasama na ang debriefing at training ng mga guro.
Minonitor naman sa General Nakar ang rehabilitation ng Mabaghoy Elem. School, Batangan Elem. School, Paaralang Sekundarya ng Gen. Nakar at ang pagtatayuan ng bagong school building ng Batangan NHS.
Umaabot sa P4,280,263.58 ang allotment budget na inilaan ng DepEd para sa nasabing mga proyekto at programa. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended