4 ‘killer’ ng med rep timbog

CABANATUAN CITY – Nadakip ng mga tauhan ng pulisya ang apat sa limang suspek na pinaniniwalaang responsable sa panghoholdap at pagkakapatay sa isang medical representative na si Ian Kydd Macamay noong Mayo 19, 2005 sa Barangay Concepcion ng lungsod na ito.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Michael Lopez; Rolly Del Rosario; Angelito Palacay; at Danilo Pulbos, habang tinutugis pa ang ikalimang suspek na alyas Basilio. Sa ulat, ang biktima ay hinoldap habang lulan ng kanyang Ford Lynx (XMT-719) na nakaparada sa madilim na bahagi ng nabanggit na barangay kasama ang nobya. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments