^

Probinsiya

P.7m pekeng gamot nasamsam sa Albay

-
KAMPO SIMEON OLA, Legapi City – Aabot sa P.7 milyong mga pekeng gamot ang nasamsam ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group sa operasyon kamakalawa ng hapon sa Barangay San Antonio at Barangay Bantayan, Tabaco City.

Ayon kay P/Supt. Benito Estipona, regional director ng CIDG sa Bicol, ang pagsalakay ay isinagawa dakong alas-5:30 ng hapon sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Mamaerto Buban ng RTC Branch 18 Tabaco City.

Naunang sinalakay ang bahay ni Gina Casaul sa Zone 1, Barangay San Antonio at nakumpiska ang mga pekeng gamot na iberet filoc-500, betnovate, stinox, neurobion, nor vasc, ventolin, zantac, amoxicillin capsule, damicron tabs, ponstan tab, ponstan capsule, Sensorcaine, augmentin, biogesic, alaxan, valium at centrum na pawang nakalagay sa kahon na may markang UNILAB.

Nabatid na wala sa bahay ang taong pakay ng mga awtoridad, bagkus ang magulang lamang nito ang naabutan ng mga awtoridad na kinilalang si Belen Casaul.

Ang ikalawang operasyon ay isinagawa sa bahay ng isang kinilalang Adelaida Boncolmo sa Zone 3, Barangay Bantayan kung saan nakumpiska ang pekeng alaxan at mga gamot na pag-aari ng Department of Health.

Nasamsam dito ang 41 kahon ng Oral Contraceptive, 24 kahon ng Dolotral, 7 kahon ng Betnovate ointment, 2 kahon ng Syntocinon Injection bottle at 300 blisters na Pyrazinamide tablet.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad na walang maipakitang mga dokumento na magpapatunay na puwede siyang magbigay o magbenta ng mga naturang gamot na pag-aari ng gobyerno. (Ulat ni Ed Casulla)

ADELAIDA BONCOLMO

BARANGAY BANTAYAN

BARANGAY SAN ANTONIO

BELEN CASAUL

BENITO ESTIPONA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DEPARTMENT OF HEALTH

ED CASULLA

TABACO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with