2 magkapatid patay sa nasunog na tree house
May 23, 2005 | 12:00am
Batangas City Nalitson ng buhay ang dalawang magkapatid at kritikal naman ang isa pa matapos na makulong sa nasunog na tree house na kanilang tinutulugan sa Barangay San Isidro Labac lungsod na ito, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ni Inspector Von Nicasio, Batangas City Fire Marshall ang mga nasawi na sina Noemi Torralba, 13-anyos at Jayson, 9, kapwa dead on the spot, samantalang nasa malubhang kalagayan naman si Jhonny Torralba, 12, na nagpapagaling sa Batangas Regional Hospital.
Isang nakilala lamang sa pangalang Anthony Pentinio, 28, ang nabalian naman ng buto nang tangkain nitong iligtas ang mga bata.
Ayon sa pagsisiyasat ng Batangas City Fire Station, napag-alamang ang sunog ay nagsimula matapos sumabog ang isang light bulb na nag-short circuit.
Bandang alas-10:20 ng gabi ng magsimula ang sunog at tumagal lamang ng halos limang minuto bago nila matagpuan ang mga namatay na biktima na pawang magkayakap pa.
Nagtataka naman ang mga imbestigador kung bakit hindi ini-report ng pamilya ang kaso. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
18 hours ago
Recommended