^

Probinsiya

Driver dedo, 2 pa kritikal sa pagsabog ng tricycle

-
Cavite – Nagkalasog-lasog ang katawan ng isang tricycle driver na agad binawian ng buhay matapos na aksidenteng sumabog ang tricycle na minamaneho nito habang nadamay naman sa insidente ang dalawang bystanders kamakalawa ng gabi sa Brgy. Ibayo, Silangan, Naic , Cavite.

Kinilala ang nasawi na si Roman Lontoc, 28 anyos, binata, residente ng Mabok Lambingan, Brgy. Calibuyo, Tanza, Cavite at driver ng pampasaherong tricycle na may plakang WP-6138. Malubha namang nasugatan sina Perla Cabuyos, 52 at Emily Antoni, 33; pawang naninirahan sa Villa Apolonia, Brgy. Ibayo Silangan ng nabanggit na munisipalidad.

Base sa imbestigasyon ni SPO1 Rodolfo Arboleda , bandang alas -7:30 ng gabi habang may inaayos sa kaniyang minamanehong tricycle ang driver na si Lontoc nang bigla itong sumabog na ikinadamay ng dalawa pang sugatang biktima.

Pinaniniwalaan namang ang sumabog sa tricycle ay isang dinamita na ginagamit sa illegal na pangingisda habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso. (Cristina G. Timbang)

vuukle comment

BRGY

CAVITE

CRISTINA G

EMILY ANTONI

IBAYO SILANGAN

MABOK LAMBINGAN

PERLA CABUYOS

RODOLFO ARBOLEDA

ROMAN LONTOC

VILLA APOLONIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with