^

Probinsiya

NPA commander, 2 pang preso pumuga

- Joy Cantos -
Camp Crame – Tatlong preso kabilang ang isang naarestong Commander ng New People’s Army (NPA) ang tumakas sa kanilang kinapipiitang selda sa naganap na jailbreak sa Provincial Jail na matatagpuan sa Borongan, Eastern Samar, ayon sa ulat kahapon.

Ang insidente ay naganap walong oras matapos na bumisita si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Eastern Samar.

Kinilala ang tumakas na lider ng communist movement na si Gregorio Tadel alyas Commander Amir ng Executive Committee ng Eastern Samar Regional Provincial Committee ng NPA na aktibong nag-ooperate sa lalawigan.

Ang dalawa pang pinaghahanap na preso ay nakilala namang sina Rogelio Basibas ng Brgy. Camperao, Borongan at Benjamin Madolid ng Brgy. Laurel, Mc Arthur, Eastern Samar.

Base sa report, dakong alas-7:30 ng gabi habang nag-iisa lamang ang bantay ng pamunuan ni Commander Amir ang kanilang pagtakas matapos na tutukan ng cal. 38 revolver ang duty jailguard dito na dinis-armahan rin ng shotgun.

Wala namang nagawa ang jailguard ng pagtulungan ng tatlo na sinamantala ang kadiliman ng gabi sa kanilang pagtakas.

Iniimbestigahan naman ng mga awtoridad kung paano naipuslit ang naturang armas na ginamit ng nasabing rebel leader.

Isang malawakang manhunt operations ang inilunsad ng magkasanib na puwersa ng pulisya at militar laban sa tatlong pugante.

vuukle comment

BENJAMIN MADOLID

BORONGAN

BRGY

CAMP CRAME

COMMANDER AMIR

EASTERN SAMAR

EASTERN SAMAR REGIONAL PROVINCIAL COMMITTEE

EXECUTIVE COMMITTEE

GREGORIO TADEL

MC ARTHUR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with