2 pulis, 3 pa nadakma sa kotong
May 22, 2005 | 12:00am
SANTIAGO CITY, Isabela Dalawang kagawad ng pulisya at tatlo pang sibilyan ang bumagsak sa kamay ng mga awtoridad makaraang maaktuhang sa kasong kotong kamakalawa ng gabi sa gasolinahang sakop ng Barangay Mabini sa lungsod na ito.
Sa ulat ni kay P/Supt. Rolly Diaz, hepe ng Santiago City PNP kay Chief Supt. Jefferson Soriano, police regional director ng Cagayan Valley, nakilala ang mga suspek na sina SPO1 Benchito Cristobal, PO1 Dennis Salvejo, kapwa nakatalaga sa Regional Mobile Group; ex-NBI agent Rosendo Colendrino; Danilo Leano at James Cristobal, anak ni SPO2 Cristobal.
Sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi kamakalawa nang makatanggap ang opisina ni Diaz ng tawag mula sa himpilan ng PNP Echague, kaugnay sa nakatakdang pakikipagkita ng mga suspek sa dalawang Bombay dala ang P.2-milyon na hinihingi ng mga suspek.
Agad namang pinapostehan ni Diaz ang gasolinahan kung saan magkikita ang mga suspek at dalawang biktima na nakilalang sina Kuldeep Sigh at Baltgit Sigh, kapwa negosyante.
Ayon pa sa ulat, hindi na nakapalag ang mga suspek nang maaktuhan ng kanilang kabaro, bagamat tinangka pa ng mga ito na pumalag, subalit mabilis namang dinis-armahan ng mga kagawad ng pulisya na nakapalibot sa pinostehang lugar. (Ulat ni Victor Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended