Bomba at bala natagpuan sa tulay

CAVITE – Pinaniniwalaang gagamitin sa kaharasan ng ilang grupo ang natagpuang mga bomba, bala at gamit pampasabog sa gilid ng tulay na sakop ng Barangay Kaong sa bayan ng Silang, Cavite kahapon.

Bandang alas-9 ng umaga nang makatanggap ng tawag si P/Supt. Nestor Mendoza ng Silang PNP mula kay Rufino Montano na siyang nakadiskubre ng mga pampasabog na kayang wasakin ang ilang palapag ng gusali. Inaalam ng pulisya kung papaano nailagay ang mga pampasabog sa naturang tulay. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments