Sa naging pahayag ni Victor Servidores, spokesman ng NPA-Fortunato Camus Command, magsasagawa rin ang NPA ng serye ng operasyon laban sa AFP upang makakuha ng karagdagang armas para sa lumolobong bilang ng rebelde at mapigilan ang patuloy na tropa ng AFP na magsagawa ng bayolenteng operasyon sa mga residente sa Cagayan Valley.
Inamin naman ni Servidores na karamihan rebeldeng na-recruit na sumapi sa makakaliwang kilusan ay pawang kabataang lalakit babae na sinasanay bilang bagong opisyal at cadres.
Ayon pa kay Servidores, ang mga organisadong grupo ng rebelde sa Cagayan Valley ay tumaas ng 220 porsiyente na ngayon ay nakakalat sa mga barangay matapos ang pagsasanay ng Intermediate Party Course. (Ulat ni Victor Martin)