^

Probinsiya

60 kawal na ang napapatay sa Cagayan Valley – NPA

-
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Umaabot sa 60 kawal ng Philippine Army mula sa Northern Luzon Command ang napapatay sa magkakahiwalay na sagupaan sa pagitan ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) simula noong Marso 29, 2004 hanggang Marso 29, 2005, ayon sa ulat na ipinalabas ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Sa naging pahayag ni Victor Servidores, spokesman ng NPA-Fortunato Camus Command, magsasagawa rin ang NPA ng serye ng operasyon laban sa AFP upang makakuha ng karagdagang armas para sa lumolobong bilang ng rebelde at mapigilan ang patuloy na tropa ng AFP na magsagawa ng bayolenteng operasyon sa mga residente sa Cagayan Valley.

Inamin naman ni Servidores na karamihan rebeldeng na-recruit na sumapi sa makakaliwang kilusan ay pawang kabataang lalaki’t babae na sinasanay bilang bagong opisyal at cadres.

Ayon pa kay Servidores, ang mga organisadong grupo ng rebelde sa Cagayan Valley ay tumaas ng 220 porsiyente na ngayon ay nakakalat sa mga barangay matapos ang pagsasanay ng Intermediate Party Course. (Ulat ni Victor Martin)

vuukle comment

CAGAYAN VALLEY

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

FORTUNATO CAMUS COMMAND

INTERMEDIATE PARTY COURSE

MARSO

NEW PEOPLES ARMY

NORTHERN LUZON COMMAND

NUEVA VIZCAYA

PHILIPPINE ARMY

VICTOR MARTIN

VICTOR SERVIDORES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with